Home Private Messages Search
    ::PICTURE OF THE WEEK::
    Navigation
icon_home.gif Home
icon_community.gif Community
· Forums
· Downloads
· Photo Gallery
· Games
· Louisianos Store
· Chat Room
· Louisianos Video HubNew content !
· Submit News
icon_poll.gif Information
· Account
· My Messages
· Calendar
· Surveys
som_themes.gif Tools
· Refer Us
· Request Ban
    Latest Articles
· Watch Zombie Movies Online[ 0 comments - 97 reads ]
· WOTL: Noynoy, Yosi Boy [ 0 comments - 118 reads ]
· Watch Asian Horror Movies Online[ 0 comments - 108 reads ]
· Get Inside The Head of Iron Man[ 0 comments - 134 reads ]
· Word of the Lourd: Attack of the Jejemons [ 0 comments - 148 reads ]

[ More in News Section ]
    Submit Article
    I Love Tuguegarao
    Month of Events
    Video of the Week
Mel and Joey Pro-Blogging
Make Money from Blogging! $$$!
    Poll
Are You Happy with Your Job?

Yes
NO



Results
Polls

Votes: 11
Comments: 0
    Site Supporters
Supported by







































[ Site Supporters ]
    Jobs at USLT
Jobs at USLT- Looking for a job? Click here!
www.louisianos.com :: View topic - TAGA TUGUEGARAO KA KUNG:
 Forum FAQ Forum FAQ  Search Forums SearchRanks  Members List Memberlist  Usergroups Usergroups  Profile Profile  Log in to check your private messages Log in to check your private messages  Log in Log in

 
Post new topic   Reply to topic       www.louisianos.com Forum Index -> General Discussion
Author Message
louisianos
3529.85 LouiPoints

Items
more...

Status: Offline

Founder
Founder


Joined: Apr 21, 2007
Posts: 1448

PostPosted: Mon Oct 19, 2009 6:15 am Reply with quote Back to top

TAGA TUGUEGARAO KA KUNG:
by http://nayontenor.blogspot.com/

-alam mong bawal ang tumawa sa harap ng cathedral kasi baka habulin ka ni Nieves.
-tinawag ka na ni Istoops para maglaro ng chess.
-alam mong may welcome party Ang mga tricycle drivers pagkababa mo ng bus galing Maynila. (minsan din pagkalabas mo ng mall)
-nagugutom ka pag naririnig mo ang special at superspecial.
-nakipaghabulan ka na with Terminator. (CNHS)
-nakipaghabulan ka na with Olive o kaya kay Sir Battung. (St. louis)
-binalak mo nang isulat ang pangalan mo sa buhangin dun sa may Buntun bridge pero di mo to magawa.
-nagswimming, nagpicnic at naghugas ng sasakyan sa Pinacanauan river.
-nagpapacute ka kapag nakasakay ng kalesa
-alam mo ang perfect timpla ng sibuyas, toyo, suka, sili at calamansi
-nagpagupit ka na sa Mabborang's.
-kilala mo si Noli Paredes.
-nakapasok ka na sa Kingly, Alvin at Vargas.
-nanood ka na ng Mayor's cup sa People's gym
-naniniwala kang maraming "Annamay" sa Cataggamman.
-Zinagan, Igado at Patatim ang handa mo tuwing pyesta.
-nagsawa ka na sa mukha ni Quilang (yung pulis na nagtatrapik sa harap ng CNHS at CCT.)
-bumili ka na ng tinapay sa Sunshine Bakery
-alam mo na ang nasa gitna ng Mercury at Venus ay Yao Huy.
-namumuroblema ka kung saan kayo magpapansit.
-nakita mo na yung tricy na may "Purokayo Family" sa likod
-nasakyan mo na ang kalesa ni Dennis Rodman.
-bulalo ang inoorder mo kapag kakain ka sa RGT.
-hinuli na ni Talosig ang iyong motor.
-kumain ka na ng ice cream sa Myrose.(kung sakaling naabutan mo to, old school ka na)
-CTC ang tawag mo sa CCT (mas lalong old school ka pag gawain mo to)
-nasakyan mo na yung tricy nagdiDisc Jockey yung trike driver.
-nasundan mo ang lovelife ni Adducul at ni Assunta
-naabutan mong maggrocery sa Moninas (pang old school)
-nagbasketball ka na sa barracks, mormons at sa "no shoes no play"
-alam mong hindi ka bebentahan ng yelo nung intsik dun sa may caritan pag hindi ka bili ng alak sa kanya.
-ang karaniwang pasalubong mo noon galing Manila ay Dunkin Donuts, ngayon, ay G&B buko pie na.
-ang karaniwang pasalubong mo naman sa mga kakilala mong taga ibang lugar ay Alcala Milk Candy
-dumayo ka na sa Cabagan para magpancit
-naipaskel na ang picture mo sa Malayans na may nakalagay na "magnanakaw ako". (hardcore!)
-nakikinig ka ng drama sa Bombo Radyo at sa Campus Radio tuwing linggo.
-nagpapicture ka na sa Topico.
-nag ober da bakod ka na sa grandstand upang makapag cutting classes.
-napapansin mong saka lang tsinetsek ng mga sekyu ang iyong bag pag palabas ka na ng mall.
-pumupunta ka sa Mang Domeng's upang magpausaw at magantay ng tricy.
-pumupunta ka sa Leng-leng's upang maglomi at pumitik ng san mig o kaya red horse.
-nameet/naoneway mo/ka ang iyong textmate sa Brickstone o kaya sa Citimall
-naghalohalo ka na sa Celia's
-bumili ka na ng appliances mo sa Lachmi o kaya sa Abraham.
-naglaro ka na ng pingpong/pitches at humingi na ng boraks kay Edward sa Pension Abraham.
-tinakbuhan mo na si Kuya Sammy ng Treshiels dahil wala kang pera pambayad sa 3 hours na laro sa family computer.
-nakadikit na sa language mo ang "***", "pesti", "Diablu ka" , "vungaw" at "ulapa".
-di ko sasabihin kung saan ang pinakamasarap na pansitan sa tuguegarao dahil magaaway lang tayo.
-sinubukan mo nang tumingi ng worth 2 pesos na Gin sa tindahan.
-nakipagdragrace ka na sa bagay road at sa woodcrest.
-nagulat ka nung nalaman mong taga tuguegarao pala si Orestes Ojeda at si Rodel Velayo.
-isama mo na rin si Mystika.
-naingayan ka sa mga motor ng mga broom broom boys.
-alam mo kung saan nakatago ang mga 24 hour computer shop.
-alam mo kung saan ka magnenet pag nagsasara ang mga comp shop dahil nanghuhuli ang mga NBI
-expected mo na na kapag nagbrownout ng 8am ay sa 5pm na magkakakuryente.
-purong taga tuguegarao ka kapag may kamaganak ka sa halos lahat ng govt offices. (may tito ka sa ganito, may tita ka sa ganun, etc.)
-ang apelyido mo ay pangalan ng street sa inyong barangay.
-di mo matanggap na mas magaling pang magybanag si Father Clement kesa sayo.
-kumain ka na ng papaitan sa Capatan at dinuguan sa Libag.
-alam mong sa Gretchen's lang ang pansitan na pay before you eat
-nagpatuli ka na sa holy infant o kaya sa peoples emergency
-nakipagfrat war ka na sa Rizal's park.
-iniiwasan mong pumunta sa ornu dahil piso tatlo ang away dun.
-di ka na maloloko ng mga trike drivers.
-pinapabless mo ang iyong sasakyan sa Piat.
-nalibang ka sa pagsayaw at paseksing lakad nung aleng naglalako ng diket, meryenda, etc. sa Peoples emergency.
-bumili ka na ng barbecue dun sa may malapit sa bernardo's o kaya dun sa malapit sa de leon.
-nagrerent ka ng vhs at betamax sa Paquito's.
-sa greenmart, cindy's at jc commercial ka bumibili ng cassette tape.
-bumuli ka ng komiks, songhits at newspaper sa Fernandez at Agdamag.
-umupo ka na at tumambay dun sa harap ng Farmacia Carsal.
-naabutan at kumain na sa Smokey's at Shakey's
-napanood mo na si val calubaquib sa community channel
-nung wala pa ang jollibee at mcdo e sa tasty hut ka nagmemeryenda
-ang otto's para sa iyo ay hindi bentahan ng sapatos kundi isang pizza parlor
-memorize mo na yung sinasabi nung nagbebenta ng manok sa may onon's ("maswerte ang tuguegarao city, makakabili kayo ng murang murang manok..."
-Nag-internet ka na sa Philworld
-Naabutan mo yung paghahasik ng lagim ni Mad Killer (tinago mo pa nga mga tsinelas mo baka kasi isuot niya e mahypnotize ka)
-Alam mo ang number sa gitna ng dalawang numerong ito: 6 _ 9
-Bad trip ka pag ubos na pansit mo pero wala pa yung kaldo mo
-Hindi mo memorize mga street ng Tuguegarao pero memorize mo kung saan ang mga establishments
-Dangwa tawag mo dun sa kabila ng Mang Domengs kahit wala na yung Dangwa dun
-Nagpabunot ka na ng ngipin kay Dr. Uy
-Umorder ka na ng footlong sa Smokey's
-Naghalo-halo ka na sa Celia's
-Nag-long distance ka na sa PT&T
-Naglaro ka na ng arcade sa Fun Corporation at sa Stardust
-Nabalitaan mo yung wakwak na lumilipad daw dun sa dorm malapit sa St.Paul
-nasubukan mo nang mastranded dahil wala kang maparang tricy, yun pala, may meeting ang mga tricycle drivers pero hindi mo ito alam
-Nung uso pa ang jueteng e lagi mong pinagmamasdan si Anchung (R.I.P.) baka kasi magbigyan ka ng clue kung ano ang lalabas
-May kilala kang "Ifan" ang pangalan
-Nagpahula ka na kay Kako
-Nanood ka na ng mga naglalaro ng kara sa harap ng United autoparts
-pag nasa Manila ka, pinapansin mo ang lahat ng mga nakakasalubong mong taga-tuguegarao kahit hindi mo sila pinapansin pag nasa tuguegarao ka
-sumakay ka na sa Pantranco, Inland at Lawin Tours
-nag-swimming ka na sa Oasis
-Nag-CR ka na sa taas ng plaza (dos pag tae, piso pag ihi)
-sanay ka ng makakita ng tae ng kabayo sa kalsada
-natalsikan ka na ng ihi ng kabayo
-nag-aral ka ng karate sa CSU
-nag-register at naki-sali ka na sa chat room ng RBC (by the way, "bootillug" ang nick ko doon)
-nagpahilot ka na kay Berto dun sa may Atulayan o kaya kay Doro dun sa may Buntun
-pumunta ka na sa riverside para magpa-sandok dahil nakagat ka ng aso
-may nagsabi na sa iyo na agal daw ng pusa ang nilalagay nila sa Tuddao's
-nacurious ka at nanood ka na rin ng "Biag ti Mannalon" sa RBC channel
-bad trip ka sa TV Patrol Cagayan Valley dahil pinapalitan nila ang Naruto.
-nagbilliards ka na sa LM
-mabubuhay ka na sa isang araw kahit 100php lang ang pera mo
-bumili ka na ng pulutan sa Bartolome at sinabi mong "kambing" yun.
-binisita mo na yung ahas dun sa Tuguegarao lumber
-marlboro gold ang tawag mo sa marlboro lights
View user's profile Send private message
ebabes
21.01 LouiPoints

Items


Status: Offline

Newbie
Newbie


Joined: Mar 04, 2008
Posts: 3

PostPosted: Mon Oct 19, 2009 9:04 pm Reply with quote Back to top

nanood ka na ng basketball o libreng pelikula sa Dupaya Stage (now People's Gymn).
bumili ka na rin ng tinapay sa Bel's Bakery pagkatapos magjogging.
nag-cutting class ka elementary para lang manghuli ng spider sa Pinacanauan River.
hinabol ka na ni Kajo at Marta (RIP. parehong baliw) dahil niloloko mo sila.
nagtapon ka na rin ng chiz curls sa mga fish pond sa Rizal's park.
naiwan mo yung tsinelas mo sa Balzain Bridge dahil nanood or naipit ka nung kudeta ni Gov Agi(RIP).
lagi kang bumibili ng school supplies mo sa Baylon's, Paul Nicholas o Venus.
nasubukan mo ng magbayad ng piso na pamasahe sa tricycle.
nanood ka na rin sa Eles Cinema.
bumili ka na rin ng buchi dun malapit sa Casa Angela (dating LTO rin yung sa harap nya).
bumili ka na rin ng puto at kutsinta tuwing umaga kay Manung ??? nakalimutan ko na ang pangalan.
nasubukan mo ng nagtakeout ng deco pagkagaling ng pista (pinassuk, inatata, etc.).
View user's profile Send private message Visit poster's website
zerofive
100.19 LouiPoints

Items


Status: Offline

Newbie
Newbie


Joined: Mar 20, 2010
Posts: 118

PostPosted: Sun Mar 21, 2010 6:12 pm Reply with quote Back to top

Ahahaahha! Nakakaaliw! Hehehe. Laughing
View user's profile Send private message
Display posts from previous:      
Post new topic   Reply to topic       www.louisianos.com Forum Index -> General Discussion
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum
You cannot attach files in this forum
You cannot download files in this forum




Powered by phpBB © 2004 phpBB Group

Original PH Theme v2.0 by Pitcher@Home © 2004 www.pitcher.no - Modified by: Lorkan Themes © 2004
PH2BLUE Theme Modified By: Lorkan Themes